Mister binugbog si misis dahil sa selos, kalaboso

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki makaraang makipagtalo sa kanyang ka-live in na nauwi sa sakitan, Martes ng gabi sa loob ng bahay sa Presidente Quirino St., Barangay IVC, Marikina City.

mister binugbog si misis dahil sa selos kalaboso - Mister binugbog si misis dahil sa selos, kalaboso
abuse 1 - Mister binugbog si misis dahil sa selos, kalaboso

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki makaraang makipagtalo sa kanyang ka-live in na nauwi sa sakitan, Martes ng gabi sa loob ng bahay sa Presidente Quirino St., Barangay IVC, Marikina City.

Batay sa nakakap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nahaharap sa kasong RA 9262 o Physical Abuse at Resistance and Disobedience ang suspek na si Jayson Dauis, 38-anyos, tricycle driver.

Nag-ugat ang pagkakakulong ni Dauis makaraang magtungo sa Marikina Police PCP-2 ang isang menor de edad na anak ni Nerissa Daquigan, 36, frozen good vendor, na umano’y binubugbog ang kanilang ina.

Naganap ang insidente bandang 10:15 Martes ng gabi sa loob ng kanilang bahay nang magtalo ang mag-live in partner dahil umano sa selos.

Lasing umanong umuwi ang suspek at doon na nagtalo ang dalawa nang komprontahin ang kinakasama makaraang makasagap ng tsismis na nakikipagrelasyon umano ang misis.

Ayon sa suspek, “Pokpok ka, pumunta ka na lang sa Olandes at magpakangkang ka na lang sa mga tiyuhin mo sa taasan, wag kang lalabas ng bahay sasaksakin kita at papatayin kita.”

Nauwi sa sakitan at murahan hanggang sa hindi na makatiis ang anak kaya nagtungo na ito sa kalapit na PCP-2 at inireklamo ang ama. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *