Miss U- PH bulabog sa COVID, 2 atras

Dalawang kandidata na ang umatras sa Miss Universe Philippines 2020 pageant dahil sa COVID-19.

The post Miss U- PH bulabog sa COVID, 2 atras first appeared on Abante.

miss u ph bulabog sa covid 2 atras - Miss U- PH bulabog sa COVID, 2 atras
abante missu - Miss U- PH bulabog sa COVID, 2 atras

Dalawang kandidata na ang umatras sa Miss Universe Philippines 2020 pageant dahil sa COVID-19.

Unang nag-back out sa kompetisyon ay si Miss Universe Sorsogon Maria Isabela Galeria matapos siyang tamaan ng COVID-19 noong Setyembre.

Dahilan ni Galeria, pakiramdam niya’y hindi pa handa ang kanyang katawan para sumabak sa naturang patimpalak dahil na-clear lang ito sa virus noong October 11.

“I hope you understand this is something beyond my control. I’ve thought hard and cried for so many nights about this. I have the willpower, but my body is not cooperating,” ayon kay Galeria.

Sunod namang naudlot ang Miss Universe PH stint ay si Cagayan de Oro representative Vincy Vacalares. Sa kanyang mahabang Instagram post, inanunsyo ni Vincy na siya’y tinamaan ng COVID-19 kaya’t hindi na makalalahok sa mga aktibidad ng Miss Universe PH.

“With a heavy heart, allow me to break the news to all of you that I tested positive for Covid-19 last October 14,” saad ni Vacalares.

“This means that I will not be able to continue with my journey to the Miss Universe Philippines crown this year.” Sa ngayon ay nagpapagaling sa isang ospital sa Maynila si Vincy. Sa October 25 na gaganapin ang finale ng naturang beauty pageant. (Raymark Patriarca)

The post Miss U- PH bulabog sa COVID, 2 atras first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *