Misis pinagahasa ni mister sa 8 mangkukulam

PINAGHAHANAP ngayon ng mga awtoridad sa Hyde­rabad, India ang isang mister matapos nitong ipagahasa ang kanyang misis sa walong mangkukulam.

misis pinagahasa ni mister sa 8 mangkukulam - Misis pinagahasa ni mister sa 8 mangkukulam
raped 1 - Misis pinagahasa ni mister sa 8 mangkukulam

PINAGHAHANAP ngayon ng mga awtoridad sa Hyde­rabad, India ang isang mister matapos nitong ipagahasa ang kanyang misis sa walong mangkukulam.

Nagsimula ang kalbaryo ng 20-anyos na biktima noong Disyembre 2008 nang dumating sa kanilang bahay ang kanyang mister na kasama ang mga mangkukulam.

Pinilahan ng mga mangkukulam ang biktima at ibinidyo pa ito ng mister. Sinikap ng biktima na magsuplong sa mga pulis pero binalaan siya ng kanyang mister na kakalat ang sex video at mapapahiya ang kanyang pamilya.

Nangako umano ang mga mangkukulam na isisiwalat nila ang mga nakatagong kayamanan kaya’t ganu’n na lamang ang paghahangad ng mister na ipa-rape ang kanyang misis.

Nalaman lang ang kahayupang ito nang umuwi ang ama ng biktima at nalaman ang pangyayari sa kanyang anak.

Nang tanungin ng biyenan ang kanyang manugang, sinabi ng huli na gusto lang niyang mawala ang mga masasamang espiritu sa katawan ng kanyang asawa.

Inaresto ng mga pulis ang dalawang mangkukulam, pero nakapagtago ang anim pati na ang mister ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *