Misis ng KAPA founder kinasuhan ng P168M tax evasion

PATONG-PATONG na reklamong tax evasion ang inihain sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa misis ng presidente at head pastor ng KAPA Community Ministry International, Inc. na si Joel Apolinario dahil sa umano’y kaugnayan sa malawakang investment scam.

misis ng kapa founder kinasuhan ng p168m tax evasion - Misis ng KAPA founder kinasuhan ng P168M tax evasion
kapa - Misis ng KAPA founder kinasuhan ng P168M tax evasion

PATONG-PATONG na reklamong tax evasion ang inihain sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa misis ng presidente at head pastor ng KAPA Community Ministry International, Inc. na si Joel Apolinario dahil sa umano’y kaugnayan sa malawakang investment scam.

Nahaharap si Reyna Lobitana Apolina­rio, Corporate Secretary ng KAPA sa paglabag sa Tax Code of the Philippines dahil sa pagkabigo nitong maghain ng Income Tax Return (ITR) para sa taxable year 2012 hanggang 2015.

Taong 2016 ay nakapaghain si Reyna ng ITR, subalit nasa P206,578 lamang ang idineklara niyang kita. Habang noong taong 2017 at 2018 naman ay nasa P171,100 at P12.06 milyon lamang ang idineklara niyang kita.

Batay sa imbestigasyon ng BIR, aabot sa P306.9 milyon ang kanyang audited financial statement.

Lumalabas din na mayroon ding undeclared sources of income si Reyna na aabot sa P307.7 milyon para sa taxable year 2017, kabilang na rito ang cash na P140 milyon, mga mamahaling sasakyan na may halaga na P27.6 milyon, at mga real property na aabot naman sa P45.1 milyon.

Natuklasan din ang siyam na mga sasakyan, 13 negosyo na nakarehistro sa ilalim ng pangalan ni Reyna, kabilang ang mga gasolinahan, convenience store, computer at printing service, quarry, convention center, fishing boat, bakeshop, hotel, media and marketing network, retail-construction material, garment at metal na pare-parehong hindi nakadeklara sa kanyang financial statement sa BIR.

Nasa P168.2 milyon ngayon ang hina­habol na tax liability mula kay Reyna na nahaharap sa paglabag sa Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *