Minimum wage ng mga guro, itaas — Angara

IGINIIT ni Senador Sonny Angara sa gobyerno na itaas ang mimimum pay sa mga guro kung nais nitong marami ang mahikayat na maging teacher at upang mapanatili silang epektibo sa kanilang propesyon.

The post Minimum wage ng mga guro, itaas — Angara appeared first on Abante News Online.

minimum wage ng mga guro itaas angara - Minimum wage ng mga guro, itaas — Angara
ABANTE sonny angara 1 - Minimum wage ng mga guro, itaas — Angara

By Dang Samson-Garcia

IGINIIT ni Senador Sonny Angara sa gobyerno na itaas ang mimimum pay sa mga guro kung nais nitong marami ang mahikayat na maging teacher at upang mapanatili silang epektibo sa kanilang propesyon.

“Kung talagang malaki ang pagpapahalaga natin sa edukasyon at nais nating makalikha ng isang hene­rasyong matalino at edukado, pagtuunan natin ng kaukulang pansin ang kapakanan ng mga guro. Bigyan natin sila ng makatarungang suweldo na kayang buhayin ang kanilang pamilya,” saad ni Angara.

Ayon sa senador, pundasyon ng karunungan at ng isang magandang hinaharap ang mga guro dahil sa dunong na ibinabahagi nila sa kanilang mga mag-aaral.
Sa kabila aniya ng kabayanihang ito ng mga teacher, nananatiling kabilang sila sa mga manggagawang tumatanggap nang napakababang sahod. Kadalasan, maging ang mga school supplies na ginagamit ng mga ito sa pagtuturo, ay nanggagaling din kanilang bulsa.

Sa kasalukuyan, ang entry level ng public school teacher o Teacher 1 ay may buwanang sahod na P20,754 o katumbas ng Salary Grade 11 alinsunod sa ipinatupad na Tranche 4 ng Salary Standardization Law (SSL).

Ang naturang halaga, ani Angara, ay hindi sapat upang mahikayat ang mga guro na magturo sa public schools.

2016 pa lamang ay itinutulak na ng senador ang Senate Bill 135 o, ang panukalang batas na naglalayong doblehin ang minimum pay ng teachers sa Salary Grade 19 o katumbas ng P45,269 sa ilalim ng SSL.

“Lagi nating sinasabi na ang mga guro ang pangalawang magulang ng ating mga anak at sila ang humuhulma sa kanilang karunungan. Sila ang puso ng edukasyon. Pero bakit hindi natin ibigay sa kanila ang pagkilala sa kanilang sakripisyo at kontribu­syon sa lipunan?” ayon pa kay Angara.

The post Minimum wage ng mga guro, itaas — Angara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *