Mindanao cong kay Duterte: Marawi City `wag kalimutan

Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mambabatas mula sa Mindanao para magtakda ng deadline sa rehabilitasyon ng Marawi City sa Lanao del Sur na matatandaang sinalakay at kinubkob ng teroristang Maute group noong Mayo 23, 2017.

mindanao cong kay duterte marawi city wag kalimutan - Mindanao cong kay Duterte: Marawi City `wag kalimutan
marawi - Mindanao cong kay Duterte: Marawi City `wag kalimutan

Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mambabatas mula sa Mindanao para magtakda ng deadline sa rehabilitasyon ng Marawi City sa Lanao del Sur na matatandaang sinalakay at kinubkob ng teroristang Maute group noong Mayo 23, 2017.

Ayon kay House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, inaasahan ng mga taga-Lanao na matapos na ang rehabilitasyon sa Marawi City kung saan tatlong taon rin aniya ang lumipas subalit hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik ang mga residente ng lungsod.

“Pero siyempre ang pinaka-isyu dyan paano `yong mga kababayan natin paano sila makabalik dyan sa ground zero?” sabi ng mambabatas.

Sa ngayon, sabi ni Hataman, ay pansamantalang nakatira muna ang mga lumikas na residente sa kanilang mga kamag-anak habang ang iba ay nasa mga shelter pero ilan lang aniya ang nandoon dahil ilan lang din ang nagawa. Ang iba naman ay pansamantalang naghahanapbuhay habang hinihintay na makabalik na sila sa Marawi City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *