Militar kasado sa mga rebelde! Laban hanggang magkaubusan-Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na handang makipag-ubusan ang kanyang mga sundalo laban sa mga rebelde sa Mindanao sakaling hindi magkasundo para itigil ang pakikipaglaban.

The post Militar kasado sa mga rebelde! Laban hanggang magkaubusan-Duterte first appeared on Abante.

militar kasado sa mga rebelde laban hanggang magkaubusan duterte - Militar kasado sa mga rebelde! Laban hanggang magkaubusan-Duterte
abante militar - Militar kasado sa mga rebelde! Laban hanggang magkaubusan-Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na handang makipag-ubusan ang kanyang mga sundalo laban sa mga rebelde sa Mindanao sakaling hindi magkasundo para itigil ang pakikipaglaban.

Ang babala ay ginawa ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu nitong Linggo ng hapon matapos bisitahin ang mga namatayan at nasugatan sa kambal na suicide bombing noong nakalipas na linggo.

Sinabi ng Pangulo na kung hindi makuha sa pakiusapan ang mga rebelde sa Mindanao ay lalaban ang mga sundalo hanggang sa magkaubusan para wala ng magaganap na bakbakan.

“If we cannot really agree,then we fight and we fight hard hanggang magkaubusan na. Maybe by that time,kung ubos na ang lahat,wala ng giyera,” anang Pangulo.

Kung mayroong aniyang misyon ang mga rebelde sa ngalan ng kanilang relihiyon, mayroon ding misyon ang mga sundalo para durugin ang mga naghahasik ng kahuluhan at karahasan sa rehiyon ng Mindanao.

“Hindi ko mapigil ang mga sundalo ko kasi may mission sila and the mission is to crush the insurgents,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na sa ngayon ay lalaban ang puwersa ng gobyerno dahil may mandato siya bilang Presidente na ipatupad ang kaayusan at kapayapaan sa bansa. (Aileen Taliping)

The post Militar kasado sa mga rebelde! Laban hanggang magkaubusan-Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *