Michael Yang probe binaril sa Senado

WALANG balak si Senate Blue Ribbon Committee chairperson Richard Gordon na tugunan ang resolusyon ni Senador Leila de Lima na imbestigahan ang mga isiniwalat ni dating Police Colonel Eduardo Acierto hinggil sa pagkakasangkot ni Presidential Adviser Michael Yang sa iligal na droga.

The post Michael Yang probe binaril sa Senado appeared first on Abante News Online.

michael yang probe binaril sa senado - Michael Yang probe binaril sa Senado
ABANTE senate senado - Michael Yang probe binaril sa Senado

WALANG balak si Senate Blue Ribbon Committee chairperson Richard Gordon na tugunan ang resolusyon ni Senador Leila de Lima na imbestigahan ang mga isiniwalat ni dating Police Colonel Eduardo Acierto hinggil sa pagkakasangkot ni Presidential Adviser Michael Yang sa iligal na droga.

Sinabi ni Gordon na wala siyang nakikitang bagong ebidensyang inilulutang si Acierto kaya’t wala pang dahilan para buksan ang pagsisiyasat.

“Nakasara na ‘yan, bubuksan ko? Anong ebidensya? May new evidence ba?” saad ni Gordon na tumutukoy sa imbestigasyon ng komite hinggil sa droga.

“Wala pa naman referral ‘yan, nag-reso siya wala naman session ang Senado, kaya ko buksan ‘yan pero tatawag ako ng senador tapos haharap ‘yan, haharap ba siya (Acierto)? Magsasabi ba siya ng totoo? Eh ‘di magsabi na lang siya sa husgado, mag-surrender siya sa mga authority. Bakit Senado? Dahil kumukuha lang siya ng publicity,” diin ni Gordon na siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at ng Justice and Human Rights.

Nilinaw naman ni Gordon na may bisa pa ang arrest warrant na ipinalabas ng komite laban kay Acierto kaya’t maaari itong arestuhin at tuluyan na itong sampahan ng kaso sa korte.

Sa rebelasyon ni Acierto noong Marso 25, binanggit nito na binalewala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinumite niyang intelligence report hinggil sa pagkakasangkot ni Yang at isang Chinese na si Allan Lim sa illegal drug trade. (Dang Samson-Garcia)

The post Michael Yang probe binaril sa Senado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *