Mga yorme tinaningan sa trapik

Binigyan ng 60 araw ang mga Alkalde sa Metro Manila, para maaksyunan ang problema sa trapiko kasunod ng mahigpit na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Mga yorme tinaningan sa trapik appeared first on Abante News Online.

mga yorme tinaningan sa trapik - Mga yorme tinaningan sa trapik
traffic edsa - Mga yorme tinaningan sa trapik

Binigyan ng 60 araw ang mga Alkalde sa Metro Manila, para maaksyunan ang problema sa trapiko kasunod ng mahigpit na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong ng Metro Manila Council (MMC) kahapon sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Guadalupe, Makati City, hiniling ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III sa mga alkalde ng Metro Manila na magkaroon ng imbentaryo ng lahat ng pampublikong lansangan sa kanilang nasasakupan.

Maaaring suspindihin ang sinumang mayo­r na hindi sumunod at malilinis ang kanyang lungsod laban sa mga sagabal sa lansangan tulad ng illegal terminal ng sasakyan, illegal parking, illegal vendor at iba pang nakakasagabal sa daanan ng mga tao.

“Ang imbentaryo ng road network ay maaaring i-audit para matukoy kung anong kalsada ang may problema dahil sa dami ng mga obstruction sa bangketa,” ani Densing.

Inihayag din ni Densing sa mga alkalde na atasan ang kanilang konseho na rebyuhin ang mga traffic management ordinance na pumapayag na maglagay ng mga istruktura sa bangketa at amyendahan ito para tuluyan nang ipagbawal ang mga sagabal sa kalsada.

Dumalo sa nasabing pulong na sina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso; Quezon City Mayor Joy Belmonte; Pasig City Mayor Ma. Victor ‘Vico’ Sotto; Navotas City Mayor Tobias ‘Toby’ Tiangco; Pasay City Mayor Imelda ‘Emi’ G. Calixto-Rubiano; San Juan City Mayor Francis Zamora; Muntinlupa City Jaime Fresnedi; Makati City Mayor Abigail Binay; Mandaluyong City Mayor Carmelita ‘Menchie’ Abalos; Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro; Malabon City Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III; Caloocan City Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan; Parañaque City Mayor Edwin Olivarez; Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, at Pateros Mayor Miguel Ponce III. May kabuuang 17 alkalde sa buong Metro Manila.

Sinabi ni Densing, maglalabas ng memorandum circular si DILG Secretary Eduardo Año para sa mga punong lungsod na siyang gagawing basis of compliance sa direktiba ng Pangulo sa nakaraang State of the Nation Address (SONA).

“Animnapung araw mula sa pagpapalabas ng memo ang itinakdang deadline ni Secretary Año,” pahayag ni Densing.

Hinimok naman ni MMDA Chairman Danilo Lim, na siyang nanguna sa pulong, ang mga alkalde na magsimula sa national roads, Mabuhay Lanes, at mga kalsadang tinukoy na alternatibong ruta.
“Para sa mga national road at mga Mabuhay Lane, ipagbabawal na ang parking at iligal na istruktura saka isusunod ang mga side streets,” ani ni Lim.

Binigyan naman ang mga alkalde ng kopya ng 17 Mabuhay Lane routes.

Ipinalutang din ni Lim ang pagko-convert ng mga open spaces sa parking area para sa mga motoristang walang espasyo para pagparadahan ng kanilang sasakyan.

Sinabi naman ng mga alkalde na sinimulan na nilang linisin ang mga pangunahing kalsada sa kanilang mga lungsod.

Bilang tugon, pinaliwanag naman ni Zamora na bawal na ang parking sa mga kalsada sa palibot ng Greenhills simula kahapon (Hulyo 25). Ang mga illegal vendor naman, aniya, sa Agora market ay ililipat sa Plaza ng Masa.

Binanggit din ng San Juan Mayor na makakasunod siya sa 60-day deadline.

Hindi rin pinalagan nina Mayor Sotto at Tiangco ang ibinigay na deadline sa kanila para masolusyunan ang problema ng trapik sa kanilang nasasakupan.

“No problem. Ginagawa ko na ‘yan 17 years ago noong year 2002. Permanent structures pa ang mga tinitibag ko nu’n. So ang gagawin na lang ngayon is reiterate strict compliance,” ani Tiangco. (Armida Rico)

The post Mga yorme tinaningan sa trapik appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *