Mga visiting team astig sa 2019 World Series

KUNG may isang hashtag na ikakabit sa unang limang laro ng 2019 World Series, ito ‘yung #ontheroad.

mga visiting team astig sa 2019 world series - Mga visiting team astig sa 2019 World Series
baseball 10 - Mga visiting team astig sa 2019 World Series

KUNG may isang hashtag na ikakabit sa unang limang laro ng 2019 World Series, ito ‘yung #ontheroad.

Sa pangatlong pagkakataon lang sa kasaysayan ng Series, sinikwat ng visiting team ang unang limang laro.

Na-outscore ng Nationals ang Astros 17-7 sa first two games sa Minute Maid Park noogn isang linggo. Matapos ang isang travel day, namiyesta naman ang Houston sa Washington nang ma-outscore ang Nats 19-3.

First time na nanalo ang road team sa first five games sapul noong 1996 nang yanigin ng Braves ang New York Yankees sa combined 16-1 sa dalawang laro. Nanalo ang Yankees sa final three games sa Atlanta-Fulton County Stadium bago tinapos ang Series sa Game 6 win sa Bronx.

Noong 1906, sa Chicago lang ang serye na nakilala bilang Windy City Series nang magpalitan bawat laro ang White Sox at Cubs. Nanalo ang White Sox sa Games 1, 3 at 5 sa West Side Grounds, inari ng Cubs ang Games 2 at 4 sa South Side Park. Pagdating ng Game 6, nanalo ang White Sox sa harap ng sariling home crowd 8-3.

Kasama ang panalo ng Boston sa Dodger Stadium sa Games 4 at 5 noong isang taon, sa unang pagkakataon ay pitong sunod na World Series games ang ipinanalo ng visiting teams.

Ang home teams ay 43-24 sa Game 6, lima sa huling anim ang naipanalo. Ang exception ay noong 2016 nang umahon ang Cubs mula 3-1 Series deficit at sinikwat ang final two games sa Cleveland para itaas ang unang championship sapul noong 1908. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *