Mga undocumented OFW sa Kuwait pauuwiin bago mag-Pasko

NASA dalawang batch pa ng mga iligal na overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kuwait ang planong­ pabalikin sa Pilipinas bago sumapit ang Pasko o matapos ang 2019.

mga undocumented ofw sa kuwait pauuwiin bago mag pasko - Mga undocumented OFW sa Kuwait pauuwiin bago mag-Pasko
kuwait ofw - Mga undocumented OFW sa Kuwait pauuwiin bago mag-Pasko

NASA dalawang batch pa ng mga iligal na overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kuwait ang planong­ pabalikin sa Pilipinas bago sumapit ang Pasko o matapos ang 2019.

Sa tala ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait, nasa 327 na ang bilang ng mga napauwing undocumented at distressed OFW ngayong taon, bilang bahagi ng Embassy Assisted Repatriation­ Program (EARP) na magkatuwang na proyekto ng adminis­trasyong Duterte at ng Kuwait Ministry of Interior.

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Embassy Chargé d’ Affaires at Consul General Mohd. Noordin Pendosina Lomondot ang mga OFW na sumubok ng ibang oportunidad sa paghahanapbuhay.

Palawakin aniya ang kakayahan tulad ng pag-e-enroll sa TESDA at iba pang mga training institution.

Layon umano ng EARP na maibalik sa Pilipinas ang mga OFW na may mga kaso ng absconding o pagtakas sa mga employer at expired visa nang hindi na makulong ang mga ito. ­(Riley Cea)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *