Mga undercover na pulis pinakalat kontra basura sa Caloocan

11 chief of police sa Ilocos Norte sinabon

Inatasan ni Mayor Oscar Malapitan ang Caloocan police na magtalaga ng mga undercover policemen na siyang manghuhuli sa sinumang magtatapon ng basura sa mga bawal na lugar sa lungsod.

The post Mga undercover na pulis pinakalat kontra basura sa Caloocan appeared first on Abante News Online.

mga undercover na pulis pinakalat kontra basura sa caloocan - Mga undercover na pulis pinakalat kontra basura sa Caloocan
pulis 2 - Mga undercover na pulis pinakalat kontra basura sa Caloocan

Inatasan ni Mayor Oscar Malapitan ang Caloocan police na magtalaga ng mga undercover policemen na siyang manghuhuli sa sinumang magtatapon ng basura sa mga bawal na lugar sa lungsod.

Ang derektibang ito ay base na rin sa reklamong tinanggap ng alkalde na sangkaterbang basura ang itinatapon ng mga residente mula limang barangay sa Caloocan City , gaya ng Bargy. 14, 16, 18, 20 at 22.

Kaagad na tinungo ng solid waste management office ang sinasabing lugar, saan nakita nila ang mga naka­tambak na basura at ginawang dumpsite ang gilid ng kalsada sa nabanggit na mga barangay.

Bunga nito, personal na pinunta­han ni Mayor Malapitan at nakipagdayalogo ito kina PB Efren Dela Cruz ng Brgy. 14; PB Nazario Baldoza ng Brgy. 16; PB Michael Pangilinan ng Brgy. 18; PB Roel Esnanza ng Brgy. 20 at PB Imelda Sibal ng Brgy. 22.

Sinabi ng alkalde na tungkulin ng mga barangay official na panati­lihing malinis ang kanilang nasasa­kupan at nasa kapangyarihan ng mga ito na pagbawalan ang mga residente na magtapon ng basura kung saan man nila naisin.

“Ang problema sa basura ay hindi kayang resolbahin ng nag-iisa ng pamahalaang lokal, kailangan ng tulong ng mga barangay official,” ani Malapitan.

Nakiusap din ang alkalde sa mga residente na ilalabas lang nila ang kani-kanilang mga basura sa oras na dumaan sa lugar ang mga trak na maghahakot at hindi iiwan lang kung saan.

Ayon naman kay Department of the Interior and Local Government (DILG)–Caloocan Director Marco Cabuenos, posibleng maharap sa kasong administratibo ang sinumang barangay officials na mapapatunayang walang pakialam sa problema sa basura sa kanyang barangay.

Inatasan na si P/ Lt. Col. Ferdinand Del Rosario, assistant chief of police for administration (ACOPA), na siyang maglagay ng under cover policeman sa mga barangay upang manghuli sa mga nagtatapon ng basura, lalo na sa gilid ng kalsada. (Orlan Linde)

The post Mga undercover na pulis pinakalat kontra basura sa Caloocan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *