Mga turista mula SoKor, China bumuhos sa Q1 — DOT

Nakapagtala ng record-high international tourist arrival nitong first quarter ng 2019 ang Department of Tourism (DOT).

The post Mga turista mula SoKor, China bumuhos sa Q1 — DOT appeared first on Abante News Online.

mga turista mula sokor china bumuhos sa q1 dot - Mga turista mula SoKor, China bumuhos sa Q1 — DOT
tourist - Mga turista mula SoKor, China bumuhos sa Q1 — DOT

Nakapagtala ng record-high international tourist arrival nitong first quarter ng 2019 ang Department of Tourism (DOT).

Base sa datos ng DOT nasa 2,204,564 turista ang dumating sa bansa sa unang tatlong buwan ng 2019 o katumbas ng pagtaas ng 7.59% mula sa 2,049,094 record nakaraang taon.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo Puyat, kumikilos ang kanyang tanggapan para mapahusay pa ang tourism products at tourism infrastructure upang makaengganyo ng mga turista.

Sa dagsa ng mga bumisita sa ‘Pinas nanguna sa listahan ang mga mula sa South Korea na nasa 519,584 kumpara sa record nakaraang taon na 477,087. Pangalawa ang mga Chinese na nasa 463,804 o katumbas ng 24.87% mas mataas sa dating record na 371,429.

Sumunod ang mga Taiwanese, US, Japan, Taiwan, Australia, Canada, United Kingdom, Singapore, Malaysia, India at Germany.

The post Mga turista mula SoKor, China bumuhos sa Q1 — DOT appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *