Mga tulak na nasentensyahan, tumaas – PDEA

Tumaas ng 46.82 porsyento ang napatunayan nangkasala at nahatulan ng pagkabilanggo, ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

The post Mga tulak na nasentensyahan, tumaas – PDEA appeared first on Abante News Online.

mga tulak na nasentensyahan tumaas pdea - Mga tulak na nasentensyahan, tumaas – PDEA
aquino - Mga tulak na nasentensyahan, tumaas – PDEA

Tumaas ng 46.82 porsyento ang napatunayan nangkasala at nahatulan ng pagkabilanggo, ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ‘record breaking’ ang naitalang ito, dahil na rin sa mabusising trabaho ng mga abogado ng ahensiya at pakikipagtulungan ng kanilang mga testigo na du­malo sa pagdinig ng korte sa hawak nilang mga kaso.

Batay sa rekord, noong 2017 ay kabuuang 41,224 kaso ang naisampa ng PDEA sa korte pero 35 percent lamang ang ‘conviction rate’ ngunit nitong nakalips na taong 2018 ay 41,583 cases ang nai-file at 46.82 percent sa mga ito ang nahatulan ng guilty.

Nabatid na ito ang pinakamataas “conviction rate” sa drug cases na naisampa sa kote ng PDEA mula ng umupo sa puwesto si Director General Aquino.

Ito ay dahil umano sa aktibo ang ginagawang partisipasyon ng mga abogado ng PDEA at masipag dumalo sa pre-trial proceedings at litigasyon ng korte.

“With this guidelines, all lawyers assigned in the Legal and Prosecution Service have been authorized to appear in court on behalf of the agency for the purpose of availing pre-trial measures and remedies, as well as actively participating in the pre-trial proper on drug cases,” ani Aquino. (Dolly Cabreza)

The post Mga tulak na nasentensyahan, tumaas – PDEA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *