Mga tsuper isalang sa drug test – Duterte

PARA maiwasan ang mga malagim na aksidente sa mga daan, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang periodic drug testing sa lahat ng mga pampublikong tsuper at magpatupad ng mahigpit na road safety checks.

mga tsuper isalang sa drug test duterte - Mga tsuper isalang sa drug test – Duterte
duterte 1 1 - Mga tsuper isalang sa drug test – Duterte

PARA maiwasan ang mga malagim na aksidente sa mga daan, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang periodic drug testing sa lahat ng mga pampublikong tsuper at magpatupad ng mahigpit na road safety checks.

Ang direktiba ay ginawa ng Pangulo kasunod ng malagim na aksidente sa Cotabato na nagresulta sa pagkasawi ng 21 katao.

Pinulong ng Pangulo ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) nitong nakalipas na araw at inatasan si Secretary Arthur Tugade na higpitan ang pagpapatupad ng road safety checks para hindi na maulit ang mga malagim na aksidente sa daan.

Nais ng Pangulo na higpitan ang requirements sa pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho para hindi makompromiso ang kaligtasan ng mga pasahero at magpatupad ng financial capability check sa mga operator ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Maging ang mga pampublikong terminal ay dapat na magkaroon ng regular na inspection para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.
Kasama rin sa iniutos ni Pangulong Duterte ang agarang pagpapatupad ng PUV Modernization Program at pagbabawal ng makapagbiyahe ang mga kakarag-karag na sasakyan .

Inaasahang magpapalabas ng Executive Order ang Malacanang para opisyal na mailatag ang mga direktiba ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *