Mga troll sa Twitter basag sa kampo ni Ping

ping

ISA-ISANG binabasag ng kampo ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga troll na patuloy na bumabanat sa bawat pahayag ng mambabatas.

The post Mga troll sa Twitter basag sa kampo ni Ping appeared first on Abante News Online.

mga troll sa twitter basag sa kampo ni ping - Mga troll sa Twitter basag sa kampo ni Ping
ping - Mga troll sa Twitter basag sa kampo ni Ping

Ni Dang Samson-Garcia

ISA-ISANG binabasag ng kampo ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga troll na patuloy na bumabanat sa bawat pahayag ng mambabatas.

Sa mga nakalipas na araw, hindi pinapalampas ng kampo ng senador ang bawat tweet ng mga halatang troll na nagkalat sa Twitter at binibigyan pa ng mga titulo.

“Congratulations! Your tweet qualifies for the “Pinakagasgas Tweet of the Year”, fake news category. Eto ang katotohanan, taliwas sa fake news na kinakalat mo. Don’t us. Because we heyt drugs,” sagot ng @UsaPingLacson sa tweet ni @gelidang na bumabatikos sa kanyang pahayag hinggil sa droga.

“Going by the logic of some trolls, dahil may pinasok na shabu noon, wala na tayong karapatang magreklamo kung tuloy pa rin ang pagpasok ng shabu ngayon. Don’t us because we heyt drugs. #TrollPaMore,” isa pa sa sagot sa tweet ng kampo ng mambabatas.

Mayroon pang binuong kategorya ang kampo ni Lacsoon para naman sa Pinakagasgas MUKHA of the year na mga troll na gumagamit ng pare-parehong mukha bilang profile.

Matatandaag una nang nagbigay ng payo ang senador sa mga nabibiktma palagi ng trolls o maging ng mga basher.

“Probably a sound advice to deal with a basher you can’t ignore: Insult him back hard enough. Give him what he deserves. Kill him by natural cause, or make his blood boil to suffer a stroke. Never mind if you’re dealing with a troll. For all you know, you’re hitting a real person,” saad ni Lacson.

The post Mga troll sa Twitter basag sa kampo ni Ping appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *