Mga trabahador mula sa China pinapa-ban sa build project

china

IGINIIT ni Senador Nancy Binay sa gobyerno ang pagpapatupad ng total ban sa mga Chinese construction worker gayundin ng ibang lahi partikular sa mga infrastructure project ng gobyerno bilang proteksyon sa kapakanan ng manggagawang Pilipino.

The post Mga trabahador mula sa China pinapa-ban sa build project appeared first on Abante News Online.

mga trabahador mula sa china pinapa ban sa build project - Mga trabahador mula sa China pinapa-ban sa build project
china1 - Mga trabahador mula sa China pinapa-ban sa build project

IGINIIT ni Senador Nancy Binay sa gobyerno ang pagpapatupad ng total ban sa mga Chinese construction worker gayundin ng ibang lahi partikular sa mga infrastructure project ng gobyerno bilang proteksyon sa kapakanan ng manggagawang Pilipino.

Ayon kay Binay, hindi patas at disadvantageous sa mga manggagawang Pilipino ang polisiya at kasunduan na nakatali sa utang natin sa China na ginagawang requirement ang pagkakaroon ng mga Chinese worker.

Binigyang-diin ni Binay na hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng Palasyo na kailangan ng mga ‘Mandarin-speaking’ Chinese laborer dahil puro Chinese characters ang nakasulat sa mga equipment.

At kung nasa salitang Chinese o Japanese man ang mga pinapaandar na makina’t equipment, sapat na ang isang interpreter para punan ang communication gap.

Sinabi din ni Binay na pangako ng administrasyon ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino mula sa flagship program na Build, Build, Build.

Hindi aniya matutupad ang pangakong ito kung magkakaroon ng pagkiling sa dayuhang manggagawa dahil sa mga kondisyon na nakalakip sa mga official development assistance (ODA) loans. (Dang ­Samson-Garcia)

The post Mga trabahador mula sa China pinapa-ban sa build project appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *