Mga TNVS driver pinaasa lang sa LTRFB dialogue

Mga TNVS driver pinaasa lang sa LTRFB dialogue

DISMAYADO ang ha­nay ng mga Transport Network Vehicles Service (TNVS) driver sa kinahinatnan ng kanilang pagpupulong na ginanap noong Martes nang hapon dahil pinaasa lang sila at pag-aaralan pa umano ng Land Transportation and Franchi­sing Board (LTFRB) ang kanilang mga hinaing.

The post Mga TNVS driver pinaasa lang sa LTRFB dialogue appeared first on Abante News Online.

mga tnvs driver pinaasa lang sa ltrfb dialogue - Mga TNVS driver pinaasa lang sa LTRFB dialogue
ltfrb - Mga TNVS driver pinaasa lang sa LTRFB dialogue

DISMAYADO ang ha­nay ng mga Transport Network Vehicles Service (TNVS) driver sa kinahinatnan ng kanilang pagpupulong na ginanap noong Martes nang hapon dahil pinaasa lang sila at pag-aaralan pa umano ng Land Transportation and Franchi­sing Board (LTFRB) ang kanilang mga hinaing.

Ayon kay Atty. Ariel Inton Jr., abogado ng mga TNVS driver, na dismayado umano ang lahat sa tugon ng LTFRB sa kanilang mga katanungan sa ginanap ng dialogue sa pagitan ng grupo at ng ahensiya.

Magugunita na nagpatawag ng dialogue ang LTFR­B sa mga nagwelgang TNVS at Hatchback community para maayos ang kanilang mga karaingan.

“Walang malinaw na sagot ang Board sa pa­ngunguna ni Chairman Martin Delgra III, overstretching sila interpretations sa Department Order ng DOTr tungkol sa mga TNVS at Hatchback community,” ayon kay Inton.

Aniya, magsasampa sila ngayong linggo ng position paper sa LTFRB tungkol sa problemang ito.

Kinukuwestyon ng grupo kung bakit pinayagan ng LTFRB ang Angkas gayong delikado ang mga motorsiklo dahil dalawa lang ang gulong nito kumpara sa hatchback na apat ang gulong. (Riz Dominguez)

The post Mga TNVS driver pinaasa lang sa LTRFB dialogue appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *