Mga tinedyer binugaw ni cong

IBANG klase raw kung mag-estima ng mga bisita itong miyembro ng Lower House.

mga tinedyer binugaw ni cong - Mga tinedyer binugaw ni cong
kartada11 5 - Mga tinedyer binugaw ni cong

IBANG klase raw kung mag-estima ng mga bisita itong miyembro ng Lower House.

Sa impormasyong nakalap ni Mang Teban, kapag dinayo raw si congressman ng mga kaibigan niya mula sa Metro Manila, sangkatutak na pagkain ang inihahanda nito sa mga bisita.

At pagsapit ng gabi, sagot din niya ang barik este inuman ng mga barakong bi­sita.

Pag-uwi ng mga bisita sa tinutulu­yang hotel, aba’y may pahabol pa si congressman – mga babaeng menor de edad.

Karamihan umano sa mga ipinadalang babae ni cong ay edad 14 hanggang 17-anyos lamang.

Happy raw ang mga bisita ni cong dahil nabusog na sila, nala­sing pa at may bonus pang tsuktsakan.

Pintahan niyo na. Ang congressman na binugaw ang mga tined­yer sa kanyang distrito ay hindi guwapo at may letrang S sa kanyang pangalan as in Sex.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *