Mga tindero ng paputok sa Bulacan inayudahan

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang tulong pangkabuhayan sa mga residente na nasa industriya ng pyrotechnics at paputok sa Bocaue, Bulacan.

The post Mga tindero ng paputok sa Bulacan inayudahan first appeared on Abante.

mga tindero ng paputok sa bulacan inayudahan - Mga tindero ng paputok sa Bulacan inayudahan
PAPUTIJ - Mga tindero ng paputok sa Bulacan inayudahan

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang tulong pangkabuhayan sa mga residente na nasa industriya ng pyrotechnics at paputok sa Bocaue, Bulacan.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng “Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa” program ng DTI na na naglalayong tulungan ang mga micro enterprise na apektado ng mga kalamidad, kabilang ang health disaster tulad ng pandemya.

Hindi bababa sa 36 na mga benepisyaryo ng programa ang nakatanggap ng P10,000 halaga ng livelihood package sa isang seremonya na ginanap sa isang gymnasium sa Bocaue noong Biyernes.

“Sa ngalan po ng pamamahala ng bayan ng Bocaue, ako ay nagpapasalamat sa DTI, sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa bawat nagnenegosyo ng paputok dito sa ating bayan,” saad ni Mayor Jose Santiago sa social media.

The post Mga tindero ng paputok sa Bulacan inayudahan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *