Mga tapat na kawani kailangan sa BOC — Digong

INAASAHANG maraming mababakanteng posisyon sa Bureau of Customs (BOC) sa mga susunod na araw kaya naghahanap na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng mga tapat na public servant.

mga tapat na kawani kailangan sa boc digong - Mga tapat na kawani kailangan sa BOC — Digong
bucor 1 - Mga tapat na kawani kailangan sa BOC — Digong

INAASAHANG maraming mababakanteng posisyon sa Bureau of Customs (BOC) sa mga susunod na araw kaya naghahanap na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng mga tapat na public servant.

Sinabi ng Pangulo na nagpapahanap na siya kay Civil Service Commission Chairperson Aileen Lizada ng mga tapat na taong gobyerno para ilagay sa mga mababakanteng puwesto sa BOC.

Ayon sa Pangulo, aasahan ang mas marami pang masisibak sa ahensiya dahil sa isyu ng korapsiyon at tuloy-tuloy ang gagawing paglilinis hanggang sa maalis ang katiwalian.

“Kaya ako maghanap, mag-usap kami ni chairperson. Maghingi ako sa inyo ng the best and the brightest.

Maraming bakante talaga in the coming months. Kung puwede silang mag-transfer kasi maraming matatanggal. Mag-transfer sila ng service,” anang Pangulo.

Bukod sa BOC ay magkakaroon din aniya ng bakante sa Philippine Coconut Authority (PCA) Board dahil ayaw niyang ma-magic ang inii­ngatang pondo para sa mga magsasaka ng niyog.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang masimot ang bilyon-bilyong pisong coco levy fund ng mga magsasaka ng niyog na dapat mapakinabangan ng mga ito.

“So pag nabakante ito, marami ‘yan sa customs pati sa itong coconut board. Hindi ko ibi­gay ‘yan sa tao. Mawala ‘yan. Karami noon in the past,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Tali­ping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *