Mga taga-NCR ’di pasaway sa health protocol

Karamihan sa mga residente ng Metro Manila ang sumusunod sa health protocol laban sa COVID-19, ayon sa survey ng OCTA Research team.

The post Mga taga-NCR ’di pasaway sa health protocol first appeared on Abante.

mga taga ncr di pasaway sa health protocol - Mga taga-NCR ’di pasaway sa health protocol
abante ncr 4 - Mga taga-NCR ’di pasaway sa health protocol

Karamihan sa mga residente ng Metro Manila ang sumusunod sa health protocol laban sa COVID-19, ayon sa survey ng OCTA Research team.

Sa survey ng OCTA Research na nilabas noong Miyerkoles, sinabing sa 600 katao na sumagot, 93 porsiyento ang nagsusuot ng face mask para protektahan ang sarili nila mula sa coronavirus.

83% naman ang gumagamit ng face shield, 89% ang laging naghuhugas ng mga kamay, 73% ang nagpapanatili ng social distancing, at 73% ang nagtatakip ng ilong at bibig kapag umuubo o bumabahing.

Ilan pa sa mga ginagawang hakbang ng mga respondent para maprotektahan ang kanilang sarili mula sa virus ang pananatili sa tahanan maliban kung kailangan nilang lumabas para sa mahahalagang kadahilanan, pagdarasal, pag-inom ng vitamins, pag-iwas sa matataong lugar, pag-iwas sa mga maysakit, pag-iwas sa paglalakbay, at paghingi ng medikal na atensyon kapag hindi mabuti pakiramdam nila.

Ang survey ay isinagawa mula Disyembre 9 hanggang 13 sa mga mamamayang edad 18 pataas at sa pamamagitan ng mga face-to-face interview.(RC)

The post Mga taga-NCR ’di pasaway sa health protocol first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *