Mga STL operator piyesta sa panahon ni Balutan

Pasabog ni Balutan: PCSO director tumanggap ng 1 bag na pera

SINAMANTALA ng mga operator ng small town lottery (STL) ang kaluwagan ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Ale­xander Balutan, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

mga stl operator piyesta sa panahon ni balutan - Mga STL operator piyesta sa panahon ni Balutan
balutan - Mga STL operator piyesta sa panahon ni Balutan

SINAMANTALA ng mga operator ng small town lottery (STL) ang kaluwagan ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Ale­xander Balutan, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na maraming STL operator ang hindi nagre-remit ng tamang koleksyon sa PCSO pero hindi ito sinuspinde ni Balutan.

Aniya, 2017 pa ito nireklamo ni Camarines Rep. LRay Villafuerte na may mga STL operator ang ginagamit lang front ang negosyo para sa kanilang jueteng operation.

“Di ba reklamo ni Rep. LRay noon tungkol sa operator ng STL na jinu-jueteng daw, lantad-lantaran nangungubra eh hindi naman nire-remit. Ayaw pa rin i-suspend ni Gen. Balutan. Anong ibig sabihin noon?” ani Lacson.

Inungkat din ni Lacson ang P2 bilyon mga documentary stamp na hindi binabayaran ng mga STL operator.

“Nakausap ko si Gov. Maliksi dati siyang PCSO chairman, maski documentary stamps na P2.5B na dapat kargo ng STL operators maski yan ayaw bayaran eh. Sino sasagot noon? E di lalabas ang pera ng PCSO kung nabayaran na kasi documentary stamps yan eh. P2.5B sabi niya, pag ayaw bayaran ng STL operators. So talagang inaabuso,” dagdag pa ng senador.

Nauna rito ay kinuwestyon ni Balutan ang ginawang pagbira ni Lacson sa mga retiradong heneral na nakakuha ng prangkisa ng lotto.

Sinabi naman ni Lacson na hindi niya kinukuwestiyon ang pagkakaroon ng prangkisa ng mga ex-general, kundi ang hindi pag-reremit ng tamang kita sa PCSO.

“Maski sino pwede kumuha ng prangkisa. Ang masama, hindi ka nagre-remit nang tama. At kulang na kulang ang nare-remit,” diin ni Lacson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *