Mga staff ng senador pikon sa blind item

NAGPUPUTOK na raw ang butsi ng mga staff ng senador dahil sa madalas na blind item sa kanilang amo.

mga staff ng senador pikon sa blind item - Mga staff ng senador pikon sa blind item
kartada11 2 - Mga staff ng senador pikon sa blind item

NAGPUPUTOK na raw ang butsi ng mga staff ng senador dahil sa madalas na blind item sa kanilang amo.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na nanlilisik daw ang mata ng mga staff kapag nakakasalubong ang mga taong pinaghihinalaang gumagawa ng blind item.

Todo-depensa daw ang mga staff sa kanilang amo na madalas banatan sa mga artikulo kahit hindi naman binabanggit ang pangalan.

Sa kabila ng kanilang pag-aalburuto, hindi raw sila affected sa mga lumalabas na blind item sa kanilang among senador.

Ang classic nito, wala naman daw masyadong ginagawa ang mga staff na ito sa tanggapan ng senador pero wagas kung magtanggol sa kanilang amo.

Pintahan niyo na. Ang senador na may mga staff na nanlilisik ang mata dahil sa blind item ay may letrang A sa kanyang pangalan at apel­yido.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *