Mga sinibak na opisyal ikulong — Noynoy

Mga sinibak na opisyal ikulong — Noynoy

MAS makabubuting ipakulong kaysa ire-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na sinibak dahil sa korapsiyon, ayon kay dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

The post Mga sinibak na opisyal ikulong — Noynoy appeared first on Abante News Online.

mga sinibak na opisyal ikulong noynoy - Mga sinibak na opisyal ikulong — Noynoy
noynoy 1 - Mga sinibak na opisyal ikulong — Noynoy

MAS makabubuting ipakulong kaysa ire-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na sinibak dahil sa korapsiyon, ayon kay dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sinabi ni dating Pangulong Aquino na nakakagulo lamang umano sa mensaheng nais ipaintindi ni Pangulong Duterte sa publiko ang muli nitong pag-appoint sa mga opisyal na sinibak na niya sa puwesto.

Ayon pa sa dating pangulo, kung sinibak o inalis na ang isang opisyal sa puwesto, ibig sabihin nito ay nawala na ang kumpiyansa at tiwala sa kanya kaya hindi na dapat na bigyan ng panibagong puwesto sa gobyerno.

Kung talagang nagkasala, dapat aniyang ipakulong ang mga ito at panagutin sa kasalanan.

“Sisibakin mo sa puwesto, okay para hindi na makakagawa ng ibang kalokohan. Pero para talagang magkaroon ng takot yung iba, kailangang ipakulong. Siguro nakakagulo sa mensahe kung sisibakin at ipupuwesto ulit,” anang dating Pangulong Aquino.

Simple lang aniya ang dapat maging pamantayan sa mga sinisibak na opisyal ng gobyerno, at ito ay kung may tiwala pa ba o wala na.

Matatandaang ilan sa mga inalis na opisyal sa Bureau of Customs noong kainitan ng kontrobersiya sa puslit na mga container ng shabu ay inilipat at binigyan ni Pangulong Duterte ng ibang puwesto sa gobyerno.
Kabilang na dito si dating BOC chief Nicanor Faeldon. (Aileen Taliping)

The post Mga sinibak na opisyal ikulong — Noynoy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *