Mga Senador takot mabitay

MGA SENADOR TAKOT MABITAY

OBLIGADONG suportahan ng mga senador ang panukala para sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga mandarambong, ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

The post Mga Senador takot mabitay appeared first on Abante News Online.

mga senador takot mabitay - Mga Senador takot mabitay
senador 2 - Mga Senador takot mabitay

OBLIGADONG suportahan ng mga senador ang panukala para sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga mandarambong, ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Sinabi ni Sotto na kung hindi susuportahan ng isang senador ang death penalty bill, mapapaghinalaan itong takot mabitay kapag kumurakot ng P50 milyong pondo ng gobyerno.

Makakasuhan ng plunder ang isang opisyal ng gobyerno kapag umabot ng P50 milyon ang ki­nurakot.

Sa State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, nanawagan ito sa Senado at Kamara na ipasa ang panukala sa pagbabalik ng parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen, kasama na ang iligal na droga at plunder.

“Because of the mention of plunder, hindi maganda sa aming mga senador at saka mga congressman, na hindi pumayag na isama. Kailangang isama, otherwise, takot kami sa plunder,” paliwanag ni Sotto.
Noong 17th Congress, binuro ang panukalang death penalty dahil sa maraming senador ang kontra dito. Pero sa 18th Congress, tiwala si Sotto na lulusot na ito.

“Siyempre, kung ipapasok ang plunder at hindi naman magandang umayaw kami doon, kasama na rin sa squeaker ‘yan, mga 13-14, baka kayanin sa Senado,” wika ng Senate President.

Sinuportahan naman ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. ang death penalty para sa mga kasong may kaugnayan sa plunder at illegal drugs.
“I personally support the President’s call to reinstate capital punishment for offenses related to drugs and plunder,” pahayag ni Revilla sa isang statement.

“Dagdagan ko lang na dapat may parusa rin na kamatayan for those who falsely and maliciously accuse others of these offenses,” dagdag pa nito.
Si Revilla ay isa sa tatlong senador na kinasuhan ng plunder at graft dahil sa pork barrel scam ni Janet Lim Napoles noong 2014.

Apat na taon siyang nakulong sa custodial center ng Camp Crame at noong 2018 lamang pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder.
Naniniwala naman ang Malacañang na isesertipikang urgent ni Pangulong Duterte ang death penalty bill.

“Given na sinabi niya ‘yun sa SONA (State of the Nation Address), most likely,” wika ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Pinaliwanag din ni Panelo kung bakit binuhay ni Pangulong Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

“As a general rule, ayaw ng natin ng death penalty sabi ng Constitution, unless Congress, by a passage of a law, allows it. Kaya ang feeling ni Presidente, yan ang pinakabigat na problema natin, one is corruption, number two yung sa droga,” ani Panelo.

“Kaya siguro mas gusto niya ‘yun hoping that it will mitigate the upsurge of this drug menace as well as the plunderous activities of the plunde­rers,” dagdag pa niya. (Dindo Matining/Aileen Taliping/Prince Golez)

The post Mga Senador takot mabitay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *