Mga senador ‘sad’ sa pag-veto ng endo bill

LAGLAG ang balikat at malungkot ang mga senador matapos i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure bill o kilala rin sa tawag na anti-endo bill.

The post Mga senador ‘sad’ sa pag-veto ng endo bill appeared first on Abante News Online.

mga senador sad sa pag veto ng endo bill - Mga senador ‘sad’ sa pag-veto ng endo bill
endo 1 - Mga senador ‘sad’ sa pag-veto ng endo bill

LAGLAG ang balikat at malungkot ang mga senador matapos i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure bill o kilala rin sa tawag na anti-endo bill.

“I am crestfallen but that’s how democracy works. And Congress being dynamic, can refile and repass the bill,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter kahapon.

Mas labis na nanghinayang si Senador Joel Villanueva, principal author ng Security of Tenure bill sa Senado, dahil lumalabas aniya na nangibabaw ang mga makapangyarihan at naghaharing-uri.

“Ang katotohanan, minsan ay mas matimbang ang mga makapangyarihan at naghaharing-uri. Ang pagka veto ng ENDO ay isa sa mga manipistasyon ng mga ganitong pagkakataon,” ani Villanueva.

Sa pagbalangkas ng panukala, sinabi nitong sinikap nilang mabuo ito na magiging patas sa lahat ng partido, at siniguro na bawat probisyon ay may kaukulang proteksyon para sa mga manggagawa laban sa mga iligal na uri ng contractuali­zation.

“Hindi rin po natin pinabayaan na made-dehado ang mga negosyante na tumutulong maglikha ng trabaho,” paliwanag pa nito.

Ayon pa kay Villanueva, sa simula pa lamang ay inaasahan na nilang maraming haharang sa panukalang ito.

“Subalit hindi po tayo natinag, lalo na at maraming manggagawa ang umaasa rito na magwawakas sa ENDO. Pinakamabigat na pasanin na marahil ang ideyang matutupad ang pangarap na ito,” dagdag pa nito.

Hindi rin inaasahan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ibe-veto ang SOT bill dahil ‘priority measure’ aniya ito noon ng Malacañang.

“I’m saddened by the Veto of the Security of Tenure bill. It makes no sense to me why Malacañang would declare it a priority measure then just to Veto it after its approval,” sabi ni Zubiri.

“They put pressure pa on us on why we haven’t acted on it after the House of Representatives passed it and the Palace came out with the certification that it was a priority measure and the Senate­ was sitting on it,” dagdag nito.

“I’m totally bewildered on this new development. Does that mean that a Certification from the Palace no longer means that it’s is a priority? Tanong pa nito.

Labis din ang pagkadismaya ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa desisyon ng pangulo na i-veto ang anti-endo bill.

“We regret it. The bill was certified as urgent by the President and thus, in the 17thCongress, the Senate worked hard to pass a balanced bill that would protect the welfare of the workers while maintaining the stability of businesses,” ani Drilon.

“Our workers have waited for two decades to finally have legislation that would prohibit illegal company practices of contractualization and provide them with security of tenure,” wika pa nito.

Gayunpaman, tiniyak ni Sotto na muling ihahain ang panukala at bibigyan ng prayoridad sa Senate 18th Congress.

Sa veto message ng Pangulo sa Kamara, sinabi nito na pinanindigan nito ang commitment na protektahan ang kapakanan ng mga manggagawa laban sa ilang abusadong kompanya.

Bagama’t mahigpit na ipinagbabawal ang contractualization, sinabi ng Pangulo na hindi ito dapat na maging balakid sa mga lehitimong kompanya na may malaking puhunan at may kakayahang ibigay ang mga benepisyo sa kanilang manggagawa alinsunod sa nakasaad sa batas paggawa.

Layunin ng security of tenure bill na tuluyang ipagbawal ang contractualization o endo sa mga pribadong manggagawa na matagal ng naging practice ng maraming pribadong kompanya sa bansa. (Dindo Matining/Aileen Taliping)

The post Mga senador ‘sad’ sa pag-veto ng endo bill appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *