Mga PSG naturukan ng Sinopharm

Pinawi ng Malacañang ang agam-agam na posibleng malagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga sundalong naturukan ng COVID vaccine o ang Sinopharm dahil wala pang inaprubahang bakuna ang Food and Drug Administration (FDA).

The post Mga PSG naturukan ng Sinopharm first appeared on Abante.

mga psg naturukan ng sinopharm - Mga PSG naturukan ng Sinopharm
abante sinopharm - Mga PSG naturukan ng Sinopharm

Pinawi ng Malacañang ang agam-agam na posibleng malagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga sundalong naturukan ng COVID vaccine o ang Sinopharm dahil wala pang inaprubahang bakuna ang Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dumaan na sa evaluation ng China at United Arab Emirates ang bakuna ng Sinopharm at mahigit isang milyon na ang nabakunahan nito kaya makakasigurong ligtas din ito sa mga naturukang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Depensa ni Roque, wala namang nabalitang masamang nangyari sa mga nabakunahan mula sa vaccine ng Sinopharm kaya mas mabuting mayroong proteksiyon kaysa wala.

“Isang milyon na mahigit ang naturukan ng Sinopharm. Kung titingnan nyo po sa internet, may ganyang anunsiyo na ang Sinopharm,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi pipilitin ang mga sundalong ayaw magpabakuna at ang mga nabigyan lamang ay yaong mga gustong makasiguro ng kaligtasan mula sa bagsik ng COVID-19.

Kinumpirma naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang mga nabigyan ng COVID vaccine ay mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na siyang nagbibigay ng seguridad at proteksiyon ni Pangulong Duterte.

Kaugnay nito ay nagbabala ang Malacanang laban sa mga hindi rehistradong bakuna kontra COVID na galing China. (Aileen Taliping)

The post Mga PSG naturukan ng Sinopharm first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *