Mga protester minasaker sa Iraq

NASAWI ang may 18 katao habang daan-daan pa ang sugatan nang paulanan ng bala ng mga nakamaskarang gunman ang mga Iraqi protester sa Shiite holy city ng Karbala noong Martes.

mga protester minasaker sa iraq - Mga protester minasaker sa Iraq
ABANTE crime scene - Mga protester minasaker sa Iraq

NASAWI ang may 18 katao habang daan-daan pa ang sugatan nang paulanan ng bala ng mga nakamaskarang gunman ang mga Iraqi protester sa Shiite holy city ng Karbala noong Martes.

Ito na ang pinakagrabeng pag-atake na nangyari sa lugar simula nang ilunsad ang mga anti-government de­monstration nitong buwan, ayon sa Independent report.

Gabi nangyari ang pag-atake kung saan limang magkakasunod na araw nang nagpoprotesta sa mga kalsada ang mga Iraqi laban sa korapsyon, kawalan ng serbisyo at iba pang hinaing nila sa kanilang gobyerno.

Hindi pa batid kung sino ang nasa likod ng pag-atake pero pinaghihinalaang mga riot police ito o kung hindi man ay special forces o mga Iran-linked militia.

Itinanggi naman ni Provincial Governor Nassif al-Khutabi na may namatay na mga protester at sinabing gawa-gawa lang ang kumalat na mga video online at hindi mula sa Karbala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *