Mga produktong yaring Pinoy ilagay sa mga hotel

Makabubuting mga produktong tatak Pinoy na lamang ang ilagay sa mga hotel sa bansa sa halip na mga impor­ted tulad ng sabon, shampoo, conditioner at tsinelas.

mga produktong yaring pinoy ilagay sa mga hotel - Mga produktong yaring Pinoy ilagay sa mga hotel
filipino product - Mga produktong yaring Pinoy ilagay sa mga hotel

Makabubuting mga produktong tatak Pinoy na lamang ang ilagay sa mga hotel sa bansa sa halip na mga impor­ted tulad ng sabon, shampoo, conditioner at tsinelas.

Ito ang panawagan ni Senador Sonny Angara sa Department of Tourism para mahikayat ang mga hotel operator sa bansa na local toiletries at tsinelas na gawang Pilipinas ang ilagay sa mga hotel na magagamit ng kani-kanilang mga kliyente.

Sa pamamagitan nito, ani Angara, mas masusuportahan sa bansa ang mga produktong lokal at dagdag promosyon din ang magiging resulta nito.

“Tuluy-tuloy lang dapat ang pagsuporta natin sa sariling atin. Dahil nasa Pilipinas naman tayo, dapat mga produktong gawang Pinoy din ang ilagay sa mga hotel tulad ng shampoo, tsinelas at sabon. Tiyak na uusbong ang Filipino entrepreneurs natin sa ganyang paraan,” sabi ni Angara.

“Kapag sumikat at bumenta ang mga produkto natin, hindi lang ang mga negos­yanteng Pinoy ang makikinabang. Posib­le ring dumami ang trabaho at sa pagdami ng trabaho, mas lalago pa ang ekonomiya at mababawasan ang carbon footprint natin,” dagdag pa nito.

(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *