Mga preso ‘wag pagkaitan ng kalayaan – Pope Francis

Nanawagan sa buong mundo si Pope Francis hindi lamang sa abolisyon ng death penalty kundi maging sa pagsasaayos ng kondisyon ng mga bilangguan bilang respeto sa dignidad ng mga taong pinagkaitan ng kanilang kalayaan.

The post Mga preso ‘wag pagkaitan ng kalayaan – Pope Francis first appeared on Abante.

mga preso wag pagkaitan ng kalayaan pope francis - Mga preso ‘wag pagkaitan ng kalayaan – Pope Francis
abante pope francis 3 - Mga preso ‘wag pagkaitan ng kalayaan – Pope Francis

Nanawagan sa buong mundo si Pope Francis hindi lamang sa abolisyon ng death penalty kundi maging sa pagsasaayos ng kondisyon ng mga bilangguan bilang respeto sa dignidad ng mga taong pinagkaitan ng kanilang kalayaan.

Naniniwala ang Santo Papa na mahalaga ang buhay ng isang tao at may paraan naman para pagbayaran ang kanilang mga kasalanan sa loob ng bilangguan.

Kaugnay nito sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ang sinabi ni Pope Francis sa kanyang pinakahuling encyclical letter ay isang malaking hakbang sa kanilang adbokasiya laban sa muling pagpataw ng parusang kamatayan sa Pilipinas.

“Death penalty is inadmissible and the Church is firmly committed to calling for its abolition worldwide,”ayon sa Santo Papa.

Sinabi naman ni Legazpi Bishop Joel Baylon na isa itong napakagandang balita

sa mga tumututol sa pagbabalik ng death penalty.

Ayon sa CBCP, ang death penalty ay isang paglabag sa dignidad ng tao na hindi dapat mawala sa kabila nang may nagawang krimen.

Wala rin umano pag-aaral na ang death penalty ay nakakapagpababa ng krimen ,hindi na maaring baligtarin sa sandaling magkaroon ng pagkakamali sa judgement, isa rin lang itong paghihiganti, parusa at anti-poor.

Sa halip ay sinabi ng CBCP na dapat na maalis ang ” culture of death,” violence at pagbabago sa ugali ng mga tao. Pag-alis sa graft and corruption, pagsasaayos ng kondisyon ng mga preso, reporma sa criminal justice system at sistema sa paglaban sa COVID19 upang maging maayos ang pamumuhay ng mga tao.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Mga preso ‘wag pagkaitan ng kalayaan – Pope Francis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *