Mga preso may libreng sabon at vitamins

Bibigyan ng sabon at vitamins ang lahat ng nakakulong na preso sa NCR upang mapanatili silang malusog at malinis sa pangangatawan.

mga preso may libreng sabon at vitamins - Mga preso may libreng sabon at vitamins
abante jona - Mga preso may libreng sabon at vitamins

Bibigyan ng sabon at vitamins ang lahat ng nakakulong na preso sa NCR upang mapanatili silang malusog at malinis sa pangangatawan.

Sambit ito ni NCRPO Director P/Major Gen. Debold Sinas bunsod na rin ng pagkamatay ng isang preso na si Ramil Rubio Maltezo, na nakulong sa Taguig Police Station detention, na namatay noong Marso 31 dahil sa sakit na septicemia o mataas na lebel ng bacterial infection sa dugo at mayroon pa itong pigsa sa katawan.

“Kailangan pong panatilihing maging malinis ang kanilang kulungan at kailangan din na maligo araw-araw ang mga preso para hindi magkasakit at hindi dapuan ng sakit na COVID-19,” saad ng opisyal.

“Sa ngayon po lahat ng preso sa NCR na nakakulong sa mga presinto, wala pa pong dinapuan ng virus nang nasabing sakit” ani ni Sinas.

“Maging ang mga pulis po sa bawat mga presinto ay bibigyan din ng sabon at vitamin para maging malakas po” dagdag pa nito. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *