Mga pork Cong. utak magnanakaw!

BINUWELTAHAN ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Capiz Rep. Fredenil Castro at ang mga kongresistang naghahangad na magkaroon ng malaking pork barrel fund sa ilalim ng panukalang P4.1 trilyong budget para sa 2020.

mga pork cong utak magnanakaw - Mga pork Cong. utak magnanakaw!
ping 4 - Mga pork Cong. utak magnanakaw!

BINUWELTAHAN ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Capiz Rep. Fredenil Castro at ang mga kongresistang naghahangad na magkaroon ng malaking pork barrel fund sa ilalim ng panukalang P4.1 trilyong budget para sa 2020.

Ito’y matapos bansagan siya ni Castro na isip-bata dahil sa akusasyon nitong binalak ng liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano na isiksik ang P700 milyon pork barrel fund sa bawat miyembro ng Kamara at tig-P1.5 bilyon naman sa bawat deputy speaker subalit hindi naman itinuloy.

“Kung isip-bata dahil nagbabantay sa budget, e ‘di isip-bata. E sila isip-matanda pero nagnanakaw naman sila sa pondo ng gobyerno, so isip-bata na ako,” banat ni Lacson.

Tumanggi din ang senador sa hiling ni Castro na magbigay ito ng apology sa mga kongresista dahil ginawa umano silang masama sa tingin ng taumbayan.

Pero tugon naman ni Lacson, kung may dapat mag-sorry, ito’y walang iba kundi ang mga kongresista na walang hinto sa pag-abuso sa pondo ng bayan.

“Kanino ako magso-sorry, e ako nag-i-scrutinize, nagbabantay sa budget ng Pilipinas. So kung may dapat mag-apologize, mag-sorry, siguro ‘yang mga congressman na talagang walang tigil at wala na ring kahihiyan na abusuhin ang budget. Sigurado ko hindi ako ‘yan kasi ako tagabantay,” sabi ni Lacson.

Kasabay nito ay isiniwalat din ni Lacson na binalak ni Castro na makipag-usap sa kanya pero hindi niya hinarap.

“He was trying to have an audience with me before this came out. And ‘di ko hinarap. Ito, ngayon, nariyan, nakakita ako ng visitor’s slip. Cong Fred Castro would like to visit. Tinanong ko staff ko. Mukhang meron siyang gustong i-lobby na project,” pahayag ni Lacson sa pana­yam kahapon.

“Long before that. Hindi ko siya nakausap kasi hindi ko siya kinausap.

What for? In 2018 he kept hitting me not only on the issue of pork, pati sa federalism. Malumanay ‘yan na magsalita na masakit. Bakit ko siya haharapin, ‘di pa siya nag-make amends sa mga atraso niya sa akin last year,” lahad ni Lacson.

Umalma naman si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa akusasyon ni Lacson na magkakaroon sana ng tig-P700 milyon ang bawat miyembro ng Kamara sa ilalim ng 2020 proposed national budget.

“I have nothing personal against Sen. Ping but when he states that there is ‘pork’ in the budget approved when there is none. He is not only attacking the institution but the 300 individuals who comprise the house of which one-third or a 100 are neophyte members,” saad ni Defensor.
Binanggit pa ng kongresista na trinabaho ng mga miyembro ng Kamara ang maagang pagpapatibay ng panukalang budget subalit imbes na papurihan sila sa kanilang ginawa ay inaatake pa ngayon.

“Where is the fairness and statesmanship there?” litanya ni Defensor.
Samantala, tumanggi naman ang ibang kongresista na patulan ang akusasyon ni dating Cabinet Secretary Rigoberto Tiglao na ang P1.6 bilyong dagdag sa budget ng Kamara ay para hindi ikudeta ng mga kongresista si Cayetano.

Sa kolum ni Tiglao sa pahayagang Bulgar, binanggit nitong: “Malinaw kung bakit pinadagdagan ni Speaker Cayetano ang bilang ng DHS. Ito ay pamamaraan para mabili niya ang loyalty ng mga kongresista lalo na ang mga nagbabalak na ikudeta siya.”

Nauna nang idinepensa ni Cayetano ang dagdag na P1.6 bilyong budget bilang panggastos sa research.

(Dindo Mati­ning/JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *