Mga politiko ngayon mas korap – Freddie Webb

KUNG si dating senador, basketball player at aktor Freddie Webb ang tatanungin, mas maraming korap na politiko ngayon kaysa sa dati.

The post Mga politiko ngayon mas korap – Freddie Webb first appeared on Abante.

mga politiko ngayon mas korap freddie webb - Mga politiko ngayon mas korap – Freddie Webb
abante freddie webb - Mga politiko ngayon mas korap – Freddie Webb

KUNG si dating senador, basketball player at aktor Freddie Webb ang tatanungin, mas maraming korap na politiko ngayon kaysa sa dati.

Sa panayam ni Jon Ibanez kay Webb sa Balitaan at Kumustahan sa Politiko Live, sinabi ni Webb na iba noong panahon na tulad nina Senate President Jovito Salonga, Jose Diokno, Wigberto tanada.

Ngayon, para kay Webb bagaman may natirira pang mga politiko na ang talagang hangad ay maglingkod o tulungan makabangon ang bayan at baguhin ang luma at pangit na sistema, ay maroon pa rin na politiko na “tumatakbo para lang sa pera.”

Nang tanungin ni Jon kung siya ba ay may balak bumalik sa politika, sinabi ni Webb na kailangan ng minimum P100 million para sumabak sa politika.

“Kung mayroon P100 million nenegosyo ko na lang at para sa mga apo ko,” sabi ni Webb, sabay sabing masarap na ang buhay niya kasama ang kanyang mga apo.(Kiko Cueto)

The post Mga politiko ngayon mas korap – Freddie Webb first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *