Mga politiko ‘KKB’ sa COVID bakuna

Pinatatabla ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga politiko sa libreng bakuna kontra COVID-19.

The post Mga politiko ‘KKB’ sa COVID bakuna first appeared on Abante.

mga politiko kkb sa covid bakuna - Mga politiko ‘KKB’ sa COVID bakuna
COVID Vaccine - Mga politiko ‘KKB’ sa COVID bakuna

Pinatatabla ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang mga politiko sa libreng bakuna kontra COVID-19.

“Hayaan mo silang magbayad, hayaan mo ‘yung mga politikong magbayad ng sarili nila. Yung mga kababayan muna nating mga health workers saka ‘yung mahihirap, yon muna unahin. Libre kasi,” diin pa nito.

“’Yung iba sina-suggest ay seryoso — dahil baka daw ‘yong immunization o ‘yung vaccine eh dapat daw unahin daw muna yung mga politiko, hindi magandang katotohanan ‘yun. Kahit totohanan o patutsada, sapagkat ba’t mo aaksayahin ‘yung vaccine sa mga politiko,” ani Sotto.

Pinawi naman ni Sotto ang pangamba ng ilan na may side effect ang COVID-19 vaccine sa tao.

“Eh ‘di marami na sanang namatay sa China, United Kingdom, Amerika kung may diperensya ‘yung vaccine,” ayon kay Sotto.

“Kung ganon ang gusto nila, eh ‘di ba’t di na lang natin lasunin ‘yong mga politiko para mas madali? Mas sigurado ‘yon, kaysa aasahan natin ‘yong vaccine, kawawa naman ‘yung mga kababayan natin na kailangan ng vaccine,” saad pa nito.

Sinabi rin ni Sotto na walang babayaran ang 70 porsiyento ng mga Pinoy na tuturukan ng COVID 19 vaccine sa oras na maging available ito.

“Ang priority doon ay hindi lang yong mga health workers kundi mga 70 percent ng mga kababayan natin, kailangang unahin. Sila yong mga dapat, ika nga’t, bigyan ng gobyerno ng tulong tungkol dito sa immunization program na ito,” pahayag ni Sotto sa panayam sa DWIZ.

“At wala naman tayong inaasahan na dapat may babayaran ‘yong mga kababayan natin para sa immunization, kaya nilagay natin lahat yong pondo na kailangan doon,” dagdag nito.

Sa niratipikahang panukalang budget ng Kongreso para sa 2021, mahigit P72.5 bilyon ang inilaan sa pagbili ng COVID-19 vaccine. (Dindo Matining)

The post Mga politiko ‘KKB’ sa COVID bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *