Mga Pinoy sa US takot madamay sa riot

Labis na ikinaalarma ng mga Pinoy na naninirahan sa Estados Unidos ang mabilis na pagkalat ng mga riot at looting sa iba’t ibang panig ng Amerika dahil sa pagpatay sa African American

mga pinoy sa us takot madamay sa riot - Mga Pinoy sa US takot madamay sa riot
abante floyd 1 - Mga Pinoy sa US takot madamay sa riot

Labis na ikinaalarma ng mga Pinoy na naninirahan sa Estados Unidos ang mabilis na pagkalat ng mga riot at looting sa iba’t ibang panig ng Amerika dahil sa pagpatay sa African American na si George Floyd habang nasa police custody sa Minneapolis, Hennepin County, Minnesota noong Mayo 25, 2020.

Ilang Pinoy community sa New York at Los Angeles ang nangangamba sa kanilang kaligtasan dahil sa pagsiklab ng karahasan.

Hindi na lang muna umano sila lumalabas para makaiwas.

Mabilis na rumesbak ang libo-libo protester para ipaghiganti sa malupit na sinapit ni Floyd habang nasa custody ni Minneapolis police officer Derek Chauvin na kinasuhan na murder at manslaughter.

Naging viral sa social media ang video habang nakadapa si Floyd , 46-anyos na walang armas at nakadagan sa kanyang leeg ang nakaluhod na pulis na si Chauvin kung saan narinig na sinabi ng biktima na `I can’t breathe’ bago ito tuluyang binawian ng buhay. Hinuli umano si Floyd matapos na akusahang nagbayad ng pekeng $20 bill sa isang tindahan.

Dahil sa nasabing pangyayari, kaliwat kanan ang panggugulo ng mga demonstrator bilang pagkondena sa sinapit ni Floyd.

Sinunog ng mga protester ang police car sa nasabing lugar. Nagdaos din ng halos magkakasabay na malawakang protesta, riot at looting sa Los Angeles, New York, Boston, Chicago, Dallas, Denver, Las Vegas, at New Orleans at iba pang panig ng US.

Sinugod din ng mga demonstrator ang White House sa Washington DC na dahilan para ito i-lockdowns.

Umaabot sa mahigit 4 milyon ang mga Pilipino na nakatira sa iba’t ibang panig ng Amerika. (Dave Llavanes Jr.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *