Mga Pinoy sa Sri Lanka tinututukan ng embahada

NANATILING naka-monitor ang Phili­ppine Embassy sa Sri Lanka sa sitwasyon ng mga Pilipino sa nasabing bansa kasunod ng mga nagaganap na pagsabog sa mga hotel at simbahan na ikinamatay ng 290 katao.

The post Mga Pinoy sa Sri Lanka tinututukan ng embahada appeared first on Abante News Online.

mga pinoy sa sri lanka tinututukan ng embahada - Mga Pinoy sa Sri Lanka tinututukan ng embahada
ukran - Mga Pinoy sa Sri Lanka tinututukan ng embahada

NANATILING naka-monitor ang Phili­ppine Embassy sa Sri Lanka sa sitwasyon ng mga Pilipino sa nasabing bansa kasunod ng mga nagaganap na pagsabog sa mga hotel at simbahan na ikinamatay ng 290 katao.

Kaugnay nito ay nagpaabot na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nangyaring pambobomba.

Ayon kay Ambassador to Bangladesh Vicente Vivencio C. Bandillo nakikipag- ugnayan na ang Philippine Embassy sa Dhaka at kinontak na ng Philippine Honorary Consul sa Colombo Hugh Sriyal Dissanayake kung saan may mga Filipino Community sa lugar.

Base sa report ng Community leaders­ doon, wala pang Pinoy na napaulat na kasama sa mga nasawi at nasaktan sa pagsabog.

Samantala inihahanda na ng embahada ang kinakailangan tulong sa mga Filipino Community na apektado ng mga nangyaring pagsabog. (Armida Rico)

The post Mga Pinoy sa Sri Lanka tinututukan ng embahada appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *