Mga Pinoy masunurin kaya bumaba COVID infection

Inihayag ng Department of Health (DOH) na isang dahilan kung bakit bumababa ang bilang ng COVID infection sa bansa ay dahil marunong sumunod sa mga health protocol ang mga Pilipino.

The post Mga Pinoy masunurin kaya bumaba COVID infection first appeared on Abante.

mga pinoy masunurin kaya bumaba covid infection - Mga Pinoy masunurin kaya bumaba COVID infection
abante swab test - Mga Pinoy masunurin kaya bumaba COVID infection

Inihayag ng Department of Health (DOH) na isang dahilan kung bakit bumababa ang bilang ng COVID infection sa bansa ay dahil marunong sumunod sa mga health protocol ang mga Pilipino.

“Parang ang mga Pilipino ay nasunod ho, Mr. President. Gumanda ang kanilang compliance. May mga datos po na nagpapakita na ang rate of masking maganda po sa Pilipinas. So ang mga tao talagang nasunod na po sa mga panuntunan o sa mga advisories ng inyo pong gobyerno,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque.

Tugon ito ng kalihim nang matanong ni Pangulong Duterte sa kanilang pulong Huwebes ng gabi kung ano ang mga dahilan ng pagbaba ng mga kaso ng COVID infection.

Kasama rin aniya sa mga dahilan ay ang pinaigting na contact tracing at pag-quarantine sa mga may sintomas ng virus.

Subalit hindi umano dapat maging kampante ang mga tao at manatiling sumunod sa mga pinatutupad na protocol.

The post Mga Pinoy masunurin kaya bumaba COVID infection first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *