Mga pekeng suka swak sa mislabeling — DOH

NILINAW ni Health Secretary Francisco Duque, hindi ang ‘safety’ ang isyu sa mga kompanya na gumagamit ng synthetic­ acetic acid sa paggawa ng suka kundi ang paglabag nila sa polisiya ng mislabeling.

The post Mga pekeng suka swak sa mislabeling — DOH appeared first on Abante News Online.

mga pekeng suka swak sa mislabeling doh - Mga pekeng suka swak sa mislabeling — DOH
suak - Mga pekeng suka swak sa mislabeling — DOH

NILINAW ni Health Secretary Francisco Duque, hindi ang ‘safety’ ang isyu sa mga kompanya na gumagamit ng synthetic­ acetic acid sa paggawa ng suka kundi ang paglabag nila sa polisiya ng mislabeling.

Ito umano ay kasunod nang pagkakabunyag na ilang produktong suka na ipinagbibili sa merkado ay may sangkap na synthetic acetic acid.

Sinabi ng kalihim na walang ‘safety issue’ dito dahil ligtas naman at hindi masama sa kalusugan ang mga ‘synthetic vinegar’ o yaong sukang gina­mitan ng ‘synthetic acetic acid.’

Sa kabila nito, sinabi ni Duque mahaharap pa rin sa mga konse­kwensiya ang mga kompanyang gumamit ng synthetic acetic acid sa paggawa ng kanilang produkto dahil sa pag­labag sa polisiya ng ‘mislabeling.

Iginiit ni Duque na hindi ito naaayon sa standard na napag-usapan ng industriya at ng regulating agency na Food and Drugs Administration (FDA) na dapat nilang sundin, kaya dapat lamang na harapin ng mga natu­rang kompanya ang naturang paglabag.

Matatandaan na ibinunyag ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na 15 sa 17 brand ng suka sa bansa ay nagtataglay ng synthetic acetic acid pero tumangging pangalanan ang mga ito.

Kaagad namang nagsagawa ng pagsusuri ang FDA, at sa 39 na brand ng suka na una nilang sinuri, ay natuklasang lima ang may synthetic acetic acid, kabilang dito ang SureBuy Cane Vinegar, Tentay Pinoy Style Vine­gar, Tentay Premium Vinegar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim at Chef’s Flavor Vinegar.

Nagpalabas rin ng public advisory ang Department of Trade and Industry (DTI) na pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagbili ng mga naturang produkto ng suka. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Mga pekeng suka swak sa mislabeling — DOH appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *