Mga pekeng OEC kumakalat

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente hinggil sa pagtaas ng bilang ng mga nagnanais maging overseas Filipino worker (OFW) na nagtatangkang umalis gamit ang mga pekeng overseas employment certificate (OEC).

The post Mga pekeng OEC kumakalat appeared first on Abante News Online.

mga pekeng oec kumakalat - Mga pekeng OEC kumakalat
certificate - Mga pekeng OEC kumakalat

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente hinggil sa pagtaas ng bilang ng mga nagnanais maging overseas Filipino worker (OFW) na nagtatangkang umalis gamit ang mga pekeng overseas employment certificate (OEC).

“I am alarmed reading reports from our Port Ope­rations Division (POD) about this modus. It appears that these syndicates are using every trick they can think of to spirit their victims out of the country. But they will not succeed,” ani Morente.

Kasabay nito, inalerto ni Morente ang lahat ng mga tauhan ng Port Operations Division (POD) na nakatalaga sa mga departure counter sa paglaganap ng mga pekeng OEC na ginagamit ng mga hindi dokumentadong OFW na binibiktima ng mga sindikato ng human trafficking at illegal recruiter.

Gayundin, pinakilos na rin ang mga miyembro ng travel control and enforcement unit (TCEU) ng bureau upang magtalaga ng karagdagang tauhan na itatalaga para sa pagsala sa mga papeles ng mga paalis na OFW.

“Those victims with questionable documents will be immediately subjected to secondary inspection. If their papers are found to be indeed spurious, they will not be allowed to depart and will be turned over to the IACAT (Inter-Agency Council Against Trafficking) for investigation and assistance.
Authorities must get to the bottom of this problem to catch recruiters that use this scheme,” ayon pa sa opisyal.

Base sa rekord ng BI-TCEU noong nakaraang linggo lamang ay nakapagtala ng 17 OFW na may pekeng OEC ang kanilang nahuli sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kasagsagan ng bakasyon ng Mahal na Araw.

Dala ng mga biktima ang pekeng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) clearance at pre-departure orientation seminar certificate.
Natuklasan na 10 sa 17 pasahero ang naharang sa NAIA Terminal 1 habang ang iba naman ay pinigil sa NAIA Terminal 2. Karamihan sa kanila ay papuntang Dubai, Saudi Arabia at Thailand. (Mina Aquino)

The post Mga pekeng OEC kumakalat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *