Mga pasahero dismayado sa naudlot na partial operation ng LRT 2

Kinadismaya ang libo-libong mga commuter makaraang maudlot ang ipinangakong partial operation ng Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) nitong Lunes.

mga pasahero dismayado sa naudlot na partial operation ng lrt 2 - Mga pasahero dismayado sa naudlot na partial operation ng LRT 2
LRT 5 - Mga pasahero dismayado sa naudlot na partial operation ng LRT 2

Kinadismaya ang libo-libong mga commuter makaraang maudlot ang ipinangakong partial operation ng Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) nitong Lunes.

Ayon sa mga commuter, umaasa pa naman sila na makararating nang maaga sa kanilang mga pinapasukang trabaho at paaralan subalit nadismaya sila nang malamang hindi pa tuloy ang partial operation ng LRT 2.

Sinabi naman ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Reynaldo Berroya, ito ay dahil pa rin sa problema ng naturang linya ng tren sa telecommunication system at power supply.

“We did our best but due to the complexity of the problem, we were not able to complete the test runs and safety checks of the telecommunication system today,” ani Berroya.

Sinabi ni Berroya, hindi naman nila maaaring ikompromiso ang kaligtasan ng kanilang mga train riders kaya’t kailangan nilang masusing i-check ang integridad at stability ng mga istruktura at equipment ng LRT 2 bago tuluyang mag-resume ng operasyon.

Sinabi pa ni Berroya na habang wala pang biyahe ang LRT 2, magtutulung-tulong ang mga ahensya ng gobyerno para maasistehan ang mga pasaherong apektado ng kanilang tigil-pasada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *