Mga palaboy ilagay sa crisis center — Bato

ITINUTULAK ngayon ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagkakaroon ng crisis center na siyang tutugon sa pa­ngangailan at matiyak ang kaginhawaan ng mga batang palaboy sa buong bansa.

The post Mga palaboy ilagay sa crisis center — Bato appeared first on Abante News Online.

mga palaboy ilagay sa crisis center bato - Mga palaboy ilagay sa crisis center — Bato
abante Bato - Mga palaboy ilagay sa crisis center — Bato

ITINUTULAK ngayon ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagkakaroon ng crisis center na siyang tutugon sa pa­ngangailan at matiyak ang kaginhawaan ng mga batang palaboy sa buong bansa.

Sa Senate Bill No. 232, kinikilala ni dela Rosa ang pangangailangan na mabigyan ng tamang pagkalinga at nutrisyon ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang.

“Let us build a protective environment for street children, let us protect their well-being,” sabi ni dela Rosa.

Nakasaad aniya sa Declaration of the Rights of the Child na dapat bigyan ng espesyal na proteksiyon ang mga bata bago at pagkatapos ng kanilang kapa­nganakan dahil sa kanilang ‘physical and mental immaturity’.

Batay sa mga ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), lumalaki umano ang bilang ng mga batang palaboy sa ilang urban center sa bansa kabilang ang Metro Manila, Cebu, Davao at iba pang lungsod.

“The vulnerable kids who roam around our streets should be sheltered from circumstances that danger their survival and normal development,” ani dela Rosa.

Nakasaad sa panukala na dapat magpatupad ng comprehensive program ang DSWD kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) para mabigyan ng emergency medical at feeding program, temporary shelter, basic educational, legal at counseling services, at rehabilitasyon ang mga batang biktima ng pang-aabuso. (Dindo Matining)

The post Mga palaboy ilagay sa crisis center — Bato appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *