Mga ospital sa NCR apaw na

Kinumpirma ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nasa ‘danger zone’ na ang mga ospital sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID 19.

mga ospital sa ncr apaw na - Mga ospital sa NCR apaw na
abante ospital - Mga ospital sa NCR apaw na

Kinumpirma ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nasa ‘danger zone’ na ang mga ospital sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID 19.

“Nasa danger zone tayo ngayon sa NCR, nakikita natin na talagang tumataas ang kaso sa COVID 19,”ayon kay Vergeire.

Nabatid na umakyat na sa mahigit 50,000 ang active cases ng COVID19 sa bansa at inatasan na rin ang mga pampublikong hospital na itaas hanggang sa 70% ang bed capacity para sa COVID patients.

Kasabay nito ay sinabi ni Vergeire na pag-uusapan sa IATF ang mga rekomendasyong ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng DOH.

Isa rito ang ginagawang pakikipag-usap ng Pilipinas sa apat na manufacturer sa China para makasali sa clinical trials sa COVID19 vaccine.

Lumahok na rin Pilipinas sa clinical trials ng Remdesivir vaccine kung saan may 1,000 COVID patient ang kasali sa clinical trial. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *