Mga ospital apaw na sa tinamaan ng dengue

DAPAT magtayo ang gobyerno ng karagdagan pang mga ospital dahil hindi na magkasya ang mga pasyente bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa Pilpinas.

mga ospital apaw na sa tinamaan ng dengue - Mga ospital apaw na sa tinamaan ng dengue
dengue 13 - Mga ospital apaw na sa tinamaan ng dengue

DAPAT magtayo ang gobyerno ng karagdagan pang mga ospital dahil hindi na magkasya ang mga pasyente bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa Pilpinas.

Ito ang panawagan kahapon ni Se­nate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos maitala sa 250,000 ang kaso ng dengue sa bansa na ikinamatay ng 1,000 katao na karamihan ay mga bata na nasa edad lima hanggang siyam.

“Doctors and hospital directors have been forced to convert gyms and basketball courts into dengue wards. This will be a scenario repeated over and over with other diseases, if we go business as usual. We have to build more hospitals,” sabi ni Zubiri.

Noong Agosto, nagdeklara ang Department of Health ng national dengue epidemic bunsod ng mabilis na pagdami ng dengue cases sa mga public at private ospital.

Nitong Enero hanggang Hulyo ng taong ito, umakyat sa 115,986 ang naitalang kaso, 109% na mas mataas kumpara noong 2018 sa katulad na panahon.

“Literal na patung-patong ang mga pasyente ng dengue sa mga ospital. Sa Region 6 ay napakaraming pasyente ng dengue at hirap umagapay ang mga doktor & nars dahil kulang na kulang ang mga pasilidad kahit na basic bed,” ani Zubiri.

(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *