Mga OFW sa Libya pauwiin na — Angara

HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang mga kaanak ng mga OFW sa Libya na kumbinsihin ang kanilang mga mahal sa buhay na umuwi na sa gitna ng patuloy na paglala ng gulo roon.

The post Mga OFW sa Libya pauwiin na — Angara appeared first on Abante News Online.

mga ofw sa libya pauwiin na angara - Mga OFW sa Libya pauwiin na — Angara
ABANTE sonny 1 - Mga OFW sa Libya pauwiin na — Angara

By Dang Samson-Garcia

HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang mga kaanak ng mga OFW sa Libya na kumbinsihin ang kanilang mga mahal sa buhay na umuwi na sa gitna ng patuloy na paglala ng gulo roon.

Ito ay makaraang itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert sa Libya kaugnay nang patuloy na gulo sa kabisera nitong Tripoli.

Sinabi ni Angara na sa sandaling itaas ng DFA ang Alert Level 4, hindi na dapat pang magdalawang-isip ang mga OFW kundi sumailalim na sa mandatory repatriation dahil lubhang mapa­nganib na ang ibig sabihin nito.

Sa tala, nasa 3,000 OFW ang nananatili nga­yon sa Libya at bilang paunang aksyon ay nagpatupad ng deployment freeze ang Pilipinas sa naturang bansa.

“Nakikiusap tayo sa mga kaanak ng ating OFWs sa Libya na sila na mismo ang humikayat sa kanila na umuwi na muna rito sa atin. Dapat ta­yong sumunod sa ipinag-uutos na forced evacua­tion ng gobyerno at magtungo sa embahada ng Pilipinas sa Tripoli para mas mapadali ang pagpapauwi sa kanila rito,” saad ni Angara.

Ayon pa sa senador, hindi na dapat mag-atubili ang OFWs sa Libya na magbalik Pilipinas sa lalong madaling panahon upang makaiwas sa mga tiyak na kapahamakan sa nagaganap na sigalot sa nasabing bansa. “Sana’y umuwi muna sila para makapiling na nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang bawat buhay po ay mahalaga,” aniya pa.

Sinabi pa ni Angara na tiyak namang hindi mauuwi sa kawalan ang pagbabalik-bansa ng mga OFW dahil may mga nakalaan namang repatriation program ang gobyerno para sa kanila.

The post Mga OFW sa Libya pauwiin na — Angara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *