Mga OFW sa HK apektado ng rally

BINAWALAN ng mga employer ang mga Pinoy worker sa Hong Kong na mag-day off nitong Linggo, Hunyo 16 dahil sa ginawang protesta sa panukalang extradition bill ng may dalawang milyon sa ilang pangunahing kalsada sa nasabing teritoryo.

The post Mga OFW sa HK apektado ng rally appeared first on Abante News Online.

mga ofw sa hk apektado ng rally - Mga OFW sa HK apektado ng rally
day off - Mga OFW sa HK apektado ng rally

Binawalang mag-day off

BINAWALAN ng mga employer ang mga Pinoy worker sa Hong Kong na mag-day off nitong Linggo, Hunyo 16 dahil sa ginawang protesta sa panukalang extradition bill ng may dalawang milyon sa ilang pangunahing kalsada sa nasabing teritoryo.

Kabilang sa mga lugar kung saan nagsagawa ng demonstrasyon ang mga Hong Kong natio­nal na tutol sa extradition bill ay ang financial at central district na paboritong destinasyon ng mga maraming Pinoy worker tuwing day off, ayon kay Bayan-Hong Kong at Macau chairperson Eman Villanueva.

“Maraming mga kababayan natin ang hindi pinalabas ng employers. Hindi binigyan ng rest day. Unfair naman iyun kasi ang laki-laki ng Hong Kong.

Puwede naman nilang sabihin na ‘wag pumunta sa mga lugar na iyun na may protesta,” bahagi ng pahayag ni Villanueva sa panayam kahapon sa DZMM.
Sa kasalukuyan ay nasa 230,000 Pinoy ang nasa HK at karamihan ay nagtatrabaho bilang mga domestic worker.

Matatandaang sinuspendi ni Hong Kong chief executive Carrie Lam ang debate sa kontrobersyal na extradition bill pero tumanggi itong magbitiw sa puwesto na siyang panawagan ng mga raliyista.

The post Mga OFW sa HK apektado ng rally appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *