Mga OFW, minimum wage earner unahin sa bakuna

Hiniling ng labor department sa pamahalaan na maisama ang mga minimum wage earner at mga overseas Filipino worker sa mga bibigyang prayoridad sa bakuna laban sa COVID-19.

The post Mga OFW, minimum wage earner unahin sa bakuna first appeared on Abante.

mga ofw minimum wage earner unahin sa bakuna - Mga OFW, minimum wage earner unahin sa bakuna
OFW 1 - Mga OFW, minimum wage earner unahin sa bakuna

Hiniling ng labor department sa pamahalaan na maisama ang mga minimum wage earner at mga overseas Filipino worker sa mga bibigyang prayoridad sa bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello mayroong 20 milyong minimum wage earners sa bansa.

Aniya, ang mga OFW ay kasalukuyang nasa pang-labingdalawa sa mga prayoridad sa bakuna.

“Sumulat ako, kung maaari ilagay man sila number 5 and 6. ‘Di lang OFWs, pati mininum wage earners. Ito ang mga vehicles of economy. Kung walang worker, sino magtatrabaho?” paliwanag ni Bello sa panayam ng TeleRadyo.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na ang mga frontline health workers, senior citizen, indigent Filipino at unipormadong tauhan ay kabilang sa itinuturing na “sectoral priorities” para sa paunang COVID-19 vaccine drive ng gobyerno. (Mina Navarro)

The post Mga OFW, minimum wage earner unahin sa bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *