Mga ‘Ninja cops’ bineberipika pa ni Duterte

IBUBUNYAG umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga tinaguriang ‘ninja cops’ sa susunod na linggo pagkatapos ng kanyang opisyal na pagbisita sa Russia, ayon kay dating Presidential Assistant at ngayo’y Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

mga ninja cops bineberipika pa ni duterte - Mga ‘Ninja cops’ bineberipika pa ni Duterte
duterte 105 - Mga ‘Ninja cops’ bineberipika pa ni Duterte

IBUBUNYAG umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga tinaguriang ‘ninja cops’ sa susunod na linggo pagkatapos ng kanyang opisyal na pagbisita sa Russia, ayon kay dating Presidential Assistant at ngayo’y Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

“Nag-usap po kami Pangulo at plano niyang basahin ito at ipaalam sa publiko pagbalik mula sa biyahe niya sa Russia. Bina-validate lang niya at meron pa siyang sinisilip, talagang sinisilip niyang mabuti kung involved ba itong mga ito,” pahayag ni Go sa mga reporter sa kanyang pagbisita sa mga nasunugan sa Brgy. Tangos North, Navotas noong Sabado.

Sabi pa ng senador, pinapa-consolidate na rin umano ng pangulo sa iba’t ibang sangay ng gobyerno ang listahan ng mga ‘ninja cops’ na diumano’y sangkot sa pagbebenta ng mga iligal na droga na nakumpiska sa kanilang mga operayon.

“Kino-consolidate po muna namin ’yung mga listahan, ’yung mga reports po mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno—PDEA, sa intelligence community—pinapa-cross validation po ni Pangulo ang lahat ng mga ’yan,” sabi ni Go.

Ayon pa sa senador, binanggit din umano sa kanya ni Duterte ang reward para sa pag-aresto ng mga tiwaling pulis na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

“Nabanggit rin po niya na nandiyan na rin po ’yung reward na kaniyang sinabi noon,” sabi ni Go.

Dahil dito, hindi muna papangalanan ni Senador Richard Gordon sa pagdinig ng Senado ngayong Martes ang mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng iligal na droga.

“We are giving him the opportunity to show his leadership and say, ‘o eto ginagawa nila yan, mag-resign na kayo’. Palagay ko naman gagawin ng Presidente ‘yung tama. I hope he does,” ani ni Gordon.
(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *