Mga nagawa ng pamahalaan para sa traffic

Halos araw-araw ay kalbaryo para sa mga taga-Metro Manila ang matinding traffic na dinaranas hindi lamang sa EDSA na sentro ng problema sa daloy ng mga sasak­yan, kundi pati na rin halos sa lahat ng lungsod sa National Capital Region.

mga nagawa ng pamahalaan para sa traffic - Mga nagawa ng pamahalaan para sa traffic
traffic 4 - Mga nagawa ng pamahalaan para sa traffic

Ni Aileen Taliping

Halos araw-araw ay kalbaryo para sa mga taga-Metro Manila ang matinding traffic na dinaranas hindi lamang sa EDSA na sentro ng problema sa daloy ng mga sasak­yan, kundi pati na rin halos sa lahat ng lungsod sa National Capital Region.

Sa kabila nito, pa­tuloy ang pagkumpleto sa mga ginaga­wang proyekto ng pamahalaan upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko, gayundin ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kamakailan ay inatasang magsagawa ng 60-araw na clearing operation para lumuwag ang mga kalsada at ang pagpapatupad ng Yellow Lane Policy.

Pero kahit nagawa na ito, hindi pa rin nawawala ang problema sa halos walang galawang usad ng mga sasakyan sa kalsada sa Metro Manila at sa ilan pang mga malala­king lungsod sa bansa.

Bagama’t may mga nakumpleto nang major road project gaya ng bypass roads o Circumferential-3 road at Harbor Link Road na nag-uugnay sa Port Area at North Luzon Expressway, hindi pa rin nabawasan ang problema.

Mga nakalinyang proyekto

Una nang sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar mayroong 12 dagdag na mga tulay na ang iba ay ginagawa na habang ang ilan ay gagawin pa lang, patawid sa Pasig River na inaasahang makakabawas sa problema sa trapiko.

Inaasahan umano na gagaan ang kalbaryo sa traffic sa sandaling matapos ang lahat ng ginagawang infrastructure project ng Duterte administration.

Ayon din sa Na­tio­na­l Economic And Development Authority (NEDA), dala­wa pang malalaking proyekto ang nakalinya para malutas ang problema sa traffic, at ang mga ito ay ang P134 bilyon na Philippine National Railway South Commuter Line mula Tutuban hanggang Los Baños, Laguna at ang P230 bilyon Manila Metro Line 9 (Mega Manila Subway Project-Phase 1).

Sa ginanap na Cabi­net meeting noong Biyernes nang gabi, napag-usapan ang nangyaring sunog sa LRT 2 rectifier substation na namerwisyo sa libo-libo nitong kostumer.

Para hindi lumala ang problema, nagkasundo ang mga ahensiyang may kinalaman sa pangangasiwa sa traffic sa harap ng Pangulo na ituloy ang bus augmentation mula Santolan hanggang Cubao habang kinukumpuni ang nasirang bahagi ng LRT-2.

Tiis muna

Kamakailan ay ma­raming mga manana­kay ang talagang su­mabog at naglabas ng hinaing hinggil sa kanilang mga nararanasan sa pagbiyahe.

Kasunod ito ng halos magkakasabay na pagtirik at pagkakaroon ng problema sa mga mass transportation na inaasahan ng mga commuter, lalo na ang nangyari sa LRT-2 na posible pa umanong abutin ng anim hanggang siyam na buwan bago tuluyang maayos.

Ayon sa mga opis­yal nito, kinakaila­ngan pa umano ng mahabang pasensya at ng mga komyuter dahil ginagawan naman ito ng solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *