Mga mayor bahala sa ayuda – Palasyo

Nakiusap ang Malacañang sa mga lokal na opisyal sa mga lugar na idineklara ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na tulungan ang kanilang naapektuhang constituents sa dalawang linggong lockdown.

mga mayor bahala sa ayuda palasyo - Mga mayor bahala sa ayuda – Palasyo
roque 2 - Mga mayor bahala sa ayuda – Palasyo

Nakiusap ang Malacañang sa mga lokal na opisyal sa mga lugar na idineklara ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na tulungan ang kanilang naapektuhang constituents sa dalawang linggong lockdown.

Sa harap na rin ng pagiging tali ng gobyerno sa ngayon dahil hinihintay pa ang aksiyon ng Kongreso sa Bayanihan 2.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sana ay ayudahan muna ng mga alkalde at mga opisyal ng barangay ang mga mamamayang naapektuhan ng MECQ na tatagal ng dalawang linggo.

“Sana po yung mga lokal na pamahalaan ay magbigay din ng ayuda habang wala pang Bayanihan 2,” ani Roque.

Dalawang beses na aniyang nagbigay ng ayuda ang gobyerno sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) at hindi maaring maglabas ng pera kahit piso sa kaban ng bayan hanggat walang permiso sa batas.

Wala aniya sa plano ng gobyerno na ibalik sa MECQ ang Metro Manila at ilang lalawigan pero hindi naman aniya maaring balewalain ang kahilingan ng medical sector. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *